Posts tagged hahahah.

Kung gusto mo ng BF na di tumitingin sa iba, Pagawa ka nalang ng istatwa.

#hahahah  #tama  #bf  #love ehh  

Sabi nila, lahat ng maganda at gwapo, bobo sa pag-ibig. Kaya pala ikaw, walang problema sa lovelife mo!

Eto yung masakit ehh…

“Yung feeling na ipinipilit ng bestfriend mo na Bday mo kahapon.

Marunong pa sa nanay ko.

The way na pinipilit nya. MASAKIT”

—naisip ko tong gawin  nang mareceived  ko ang text na yan from my cousin. Ou masakit nga naman kapag ung taong malapit sayo nakalimutan or worst hindi alam ang Birthday mo. Syempre given naman na hindi yun makakalimutan ng parents and siblings natin. Pero kapag nakalimutan ng pinsan, mga kaibigan especially your best friend. Awts! Ang sakit nga nun. Pero mas masakit kapag yung mismong boyfriend mo pa ang makalimot sa special day na yun. Doble yung sakit. Swear! Why did I say so? Kasi naranasan ko na ehh, na-experience ko ng makalimutan ng BOYFRIEND ko yung birthday ko.

Kapag may boyfriend ako, February yung pinaka favorite month ko, hindi lang dahil may ka-date ako sa valentine’s day but also because 3 celebrations yun in one month (Valentine, Monthsary and My Birthday). Excited nga ako nung dumating yung February 2012, kasi nga may boyfriend ako kaya Masaya :D Unang celebration ay nung February 14, 2012, obviously Valentine’s Day yun, first valentine namin ng boyfriend kong si Jestoni Cruz. Naalala ko nga tinawagan nya ko that early morning just to greet me happy valentine (tama ba yun love?) heheh. Actually may pasok kame that time, muntik na ngang hindi matuloy yung date namin dahil nanaman sa pagiging sensitive ko ehh, but thank god kasi naging happy naman yung first valentine namin J)).

So next celebration ay yung birthday ko (February 21), that was my 20th birthday. Actually nagkita pa kame February 20, 2012, the night before my birthday, nag Jollibee pa kame nun, syempre tahimik lang ako at hindi ko sinasabi na birthday ko na bukas dahil ang buong akala ko ay alam nya pero umuwi kame ng wala syang nababangit kahit ano tungkol dun. Pag uwi ng bahay hindi muna ko natulog, gising pa nga ako till 12midnight dahil nagsulat ako ng letter for our 2nd monthsary and I was expecting him na itetext ako at sya ang unang mag-greet sa birthday ko pero wala pa din.

 Umaga ng February 21, maaga akong gumising kasi may pasok kame that day, I checked my phone at maraming birthday greetings from my cousins, close friends like phoebie, my elementary and highschool friends at kung sino sino pang kilala ko pero wala from my boyfriend. Since walang text at wala kahit ano galling sa kanya inakala ko na may surprise sya sakin but to my surprise hindi pala nya alam na birthday ko nung araw na yun.

Magkatext kame nung umaga dahil papunta kame sa PUP-SMB(school namin), tinext nya ko, “happy birthday daw”. Nainis ako nung nareceived ko yung text nya nay un. Boyfriend mo hindi alam yung birthday mo? Nakakainis naman talaga diba? To think na kasama ko pa sya last February 21, 2011 at kumaen pa kame sa sizzlingan kasama nang group mates sa S.A.D (System Software Development). Tapos biglang hindi nya alam na birthday ko nung araw nay un. At kaya lang nya nalaman ay dahil nakasabay nya sa pagpasok si venice (isa sa close friend ko sa phoebie) at sinabi nya na birthday ko nga nung araw na yun. The way na hindi nya naalala MASAKIT! SOBRA! L Umuwi ako ng maaga nun dahil inis talaga ko sa kanya, pero pinaabot ko parin yung letter na ginawa ko for our monthsary kasi alam ko hindi kame magkikita kinabukasan dahil may mga pasok kame sa OJT. Nagsorry naman sya at stress lang daw sya that time kaya hindi nya naalala na birthday ko, kasi nga meron syang inaayos na deficiencies sa graduation. Pero iniisip ko din, what if wala syang deficiencies na inaayos nun, maaalala kaya yung birthday ko? Tingin ko hindi din. Pano mo kaya maaalala yung isang bagay kung sa una palang hindi mo na ito tinandaan?

Anyway bumawi naman sya last march 21, 2012 , nagulat ako nung sinabi nya na “Happy Birthday” and I was like “huh? Nakalimutan mo nanaman ba?”, pero sinabi nya na monthsary daw nung birthday ko kaya nya ko ni-greet, if im not mistaken 2 months syang ganun. Syempre medyo kinilig ako dun. Hahahah. Atleast bumabawi :p

Well, let’s all move on. Nagsorry naman na sya at okay na yun. Mahal ko pa din naman sya kahit nakalimutan nya :D

Peace love :p

I LOVE YOU. Mwuah!